Halos ayan lahat ang bukambibig ng mga tao, kahit tanungin mo sila
kung anong parte ng buhay estudyante nila ang nais nilang balikan. Isa
lang ang laging sagot, yung highschool life ko.
Dati iniisip ko kung bakit nga ba? Hanggang nagka-ideya ako kung bakit:
Pumasok tayo sa highschool sa edad na 12 or 13. At nagtapos ng 16 o
17. Sa 4 years span ng paglagi natin sa highschool, masasabi natin na
dumaan rin tayo sa isang bahagi ng development ng isang teenager, ang
adolescence period. Kung saan naghalo ang saya natin bilang bata at
pag-iisip natin bilang grown-up or isang nagbibinata at nagdadalaga. Sa
highschool, pwede pa tayong maglaro ng teks, pogs, taguan pung,
patintero, Chinese garter at duel cards. Hindi pa tayo masyadong
conscious sa mga itsura natin, kahit mejo haggard, pawisan, di pantay
ang pagpupulbo, sabog ang buhok.
Dito rin natin nakilala si First Crush. Dito tayo unang kinilig. Dito
tayo unang makapunta sa mall na hindi kasama ang kamag-anak o
kapamilya. Dito tayo nagsimulang mag-avail ng “barkada picture package”.
Dito tayo unang nakatikim ng alak. Dito tayo natuto ng brutal na
pangopya. Dito rin tayo natuto ng kapangyarihan ng “copy-paste” kapag
gagawa ng projects or assignments. Ang daming UNA sa buhay natin dito.
(at marami pang UNA, di ko na babanggitin yung iba.) Sa highschool rin
natin nakilala ang mga solid nating barkada. May pangalan pa. Mula sa
initials ng pangalan o apelyido, o kaya naman sikat na banda, o galing
sa isang astig na name, o acronym tulad ng SaNMaPogSS (Samahan Ng MgA
Pogi sa School) o kaya naman KOTG (Kikay on the go) o kaya naman SBE
(Solid Barkada Ever).
Kung ako tatanungin, mas gusto ko talaga ang highschool life pero may
isang bagay lang akong nais ipagmalaki nung tumuntong ako sa mundo ng
kolehiyo, ang pagiging FIGHTER. Dito ako natutong lumaban sa buhay.
Lumaban para sa pangarap. Dito ko naranasang matalo at bumangon. Dito ko
naranasang tumayo sa sarili kong paa. Dito ko nasabi sa sarili kong
“Kaya ko kayong lahat.” Ang buhay ay parang MRT station, minsan marami
ka pang kailangang daanan para makapunta ka sa pinapangarap mong
istasyon. Makakaramdam ka ng siksikan, minsan buong biyahe ka nakatayo,
minsan patay ang aircon. Minsan naman may mabait na magpapaupo sayo at
minsan kailangan mong maging listo para makaupo ka agad sa isang
available na upuan. Masaya ang highschool life pero sa buhay natin, di
lang puro saya, dapat may challenge na I think, yan ang specialty na
offer ng COLLEGE life. Ano sa tingin mo?